The Who Ang Matinik At Bigtime Na Mr. Silidonyo Sa Marcos Administration

Patuloy na namamayagpag ang mga pasaway sa bagong Marcos administrasyon. Kanya-kanyang pwesto at diskarte para makakulimbat nang pera sa kaban ng bayan. Hindi pa natatapos ang huling isyu, heto at may umaalingasaw na panibagong kontrobersya.

Sino itong mataas na opisyal ng gobyerno ang may dalawang (2) espesyal  na tauhan na nagsisilbing kubrador at taga-deposito. Ayon sa ating source, ang kubrador ang siyang direktang nakikipag negosasyon upang kubrahin ang pera para sa kaniyang tinatawag na “Boss” na si Government official.

Si Kubrador ang siyang tumitiyak na ang pera na nakolekta ay maibigay sa tamang oras at ang isa pang tauhan ang siyang mag de-deposito bank account ng mataas na opisyal. Nangyari ang negosasyon at palitan ng text messages sa buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon kung saan magkakahiwalay ang kausap tungkol sa multi-milyong kubrahan ng kanilang isusubi mula doon sa proyekto na dapat pakinabangan ng mga mahihirap.

Narito ang sample ng text message ni Kubrador “ Request for P100M para inclusive ang mga cabinets, tables and chairs” at “Sa Friday may check release na si (taga-SUBI) .. pls make sure nalagyan ng P100M ni Boss yung account nya Ty” laman ng isang text noong Hunyo 7, ilang linggo bago bumaba sa pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Talagang bagyo at bigtime si Government official  dahil hindi simpleng tao ang kaniyang kubrador at taga-subi ng nakulimbat na pera, abay tandem ang isang mambabatas at isang negosyante. Ang kubrador ni Mr. official ay may  masamang imahe dahil sa kinasangkutan nito na eskandalo sa gobyerno kaya naman todo ang sipsip nito sa kasalukuyang administrasyon para makalusot sa mga kaso.

Ayon sa ating source, ang halagang kinokolekta ni Kubrador ay P100 milyon para lamang kay Government Official. Mukhang usong-uso ngayon ang P100 milyon sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ang taga-SUBI naman ng koleksiyon ni Kubrador ay dating nasangkot na rin sa isang gulo sa pagitan pamilyan ng mga pulitiko dito sa isang sikat na lungsod sa National Capital Region(NCR). Si Kubrador ay isang lady solon mula sa isang lalawigan at yung taga-deposito o taga-subi ay sanay sa Raket katulad ng kaniyang initial.

Pero ang tumbok ng ating blind item ay si Government official na siyang ipinangongolekta ni Kubrador.

Clue: Napaulat na iniimbestigahan si Goverment official  dahil sa sangkaterbang bank account nito, hindi lang sa Pilipinaa kundi sa ibayong dagat, partikular ng Anti Money Laundering Council.

Ang opisyal na may dalawang kampon na  taga-kubra at taga-subi o taga silid  sa kanyang bank account ay binansagang Mr. “Silidonyo”, dahil “silid dito silid doon” ng kaniyang nakukulimbat na limpak limpak na salapi.

Ang tanong ng karamihan, ano pa kaya ang gayang gawin ni Mr. Silidonyo sa kasalukuyang administrasyon. Hanggang kelan mamayagpag ang mga ganitong katiwalian.

rezirb
rezirb
I live with the mantra that "ambition without knowledge is like a boat in a dry land." In many ways I strive to be the best I can. I'm adventurous, genuine, generous warm spirited, eager to jump in action, and is driven by the desire of being loved and admired.

Latest articles

Related articles

Leave a reply

Please enter your comment!
Please enter your name here